Tuesday, July 20, 2010

the most heart-breaking post I've ever read.

.., its a small beginning not by the start but merely half the story, i just wonder how it may be, to achieve that what they call happiness. the one which endure my heart, but it's hard. it's difficult.., i wonder why.., as you see it.., it was just a reflections of my own intention but i tried to pretend that it was reality.., reality of my life.., though it's not.., though it's real in someone's life.., is it greediness?.., is it being insensitive? or is it just because I am a tyrant.., of my own world.., my own heart.., would you rather read this and understood.., then comment then forget.., or would you just look at the topic.., and done! as you see it...,

well grant you to see it!


Marami akong tanong tungkol sa mensahe na ito, ito ba'y para sa akin o hindi? Masakit ang iniwan ng mensahe na ito sa puso ko, dahil para sa akin ito ang naging simbolo ng pagkawala ng pag ibig sa akin ng isang tao. Mahirap mag assume nung mga araw na iyon kaya't hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. Ngunit pagkatapos ng mga nagdaang araw, nakipaghiwalay siya sa kadahilanang hindi nya na ako kayang mahalin pa.

Paano nga ba kami nagsimula? Naaalala ko nung may gusto pa lang ako sa kanya. Labi at mata lang ang ginagamit ko upang ipadama ito sa kanya. Mahirap, una kasi hindi siya yuswal na lalaki, at hindi ko alam kung magkakapag asa ba. Sa simpleng beso lang ako humihirit ng TSANSING sa tuwing kami'y magkikita at magpapaalam sa isa't isa.

Hanggang sa nalaman kong PWEDE pala, pwede pa lang maging kami. Hanggang sa isang dapit hapon, nagkaayaang mag inuman sa may Molave, medyo nakainom na rin ako nung mga oras na iyon. Pinilit ko ang kaibigan nyang pasamahin siya sa pinag iinuman namin. Naalala ko pa kung paano sya bumaba sa jeep nung araw na yun. :D ...